Wednesday, April 7, 2010

Makipot, Makirot Malikot

Makipot, makirot, malikot

Samperang umiikot

Tanging kayamanan

Walang mapaggamitan




Sa bulsang walang laman

Isang pilak tanging tangan

Sa rangya daa’y makipot

Buhay sadyang masalimuot




Maraming kahig, puro kahig

Isang tuka, isang tinga

Kirot ng tiyan at kalamnan

Nangungunang sakit ni Juan




Bayang sadlak sa hahirapan

Di malaman saan ang kaban

Kamay na malikot, nangungurakot

Kahit sampera nilimas ng salot

No comments:

Post a Comment